TheCoach enters the chatroom
TheCoach: mukhang ako pa lang yata dito, ah?
Su/San/Dra enters the chatroom
Showdancer enters the chatroom
Su/San/Dra: Good eve po.
Showdancer: Hi. Nandito na pala kayo? Wala pa si Doc?
Doc enters the chatroom
Doc: Good evening sa lahat. Maaga kayo ha?
Su/San/Dra: Good eve Doc.
Showdancer: Hi Doc
TheCoach: gandang gabi po.
Doc: mamaya may mga bago tayong makakasama. 2 days ko na silang kausap sa online clinic ko & I advised them na sumali dito.
Lavagirl enters.
Lavagirl: Gud PM po.
Doc: Right on time ka Lavagirl. Guys, bigyan natin siya ng welcome.
Su/San/Dra: Good eve Lavagirl.
Showdancer: Hello n welcome.
TheCoach: hi
Doc: Simulan natin ang gabi sa iyo Lavagirl. Pakilala ka sa kanila.
Lavagirl: Ordinaryong dalaga lang po ako noon. Probinsiyana. Nakatira kami malapit sa bulkan.
TheCoach: taga bicol ka?
Doc: TheCoach, no asking of personal info. Tuloy mo Lavagirl.
Lavagirl: Nagkaroon po ako ng nobyo. Farmer po siya. Ayaw po sa kanya ng tiyahin ko, kasama ko sa bahay, at ang gusto niya ay yung ex ko na mayaman. Pero wala siyang nagawa ng magkaanak kami ng nobyo ko. Pero nung ikakasal kami nalaman kong may iba siyang babae, kaya di natuloy ang kasal. Isang araw sumabog ang bulkan. Magulo nung araw iyon. Mausok, maingay, lumilindol. Tumakbo kami paalis ng tiyahin ko at ng baby ko. May kung anong malaking bagay ang bumagsak at sumabog sa harapan namin kaya nawalan kami ng malay. Nagising na lang ako sa ospital, wala na ang baby ko. Nawala daw sabi ng ex ko na nagligtas sa amin. 5 taon na ang lumipas pero naniniwala pa rin ako na buhay ang anak ko.
TheCoach: halos ganyan din ang nangyari sa akin.
Doc: Sige guys. Para makilala kayo ni Lavagirl, ikuwento ninyo ang experiences nyo. But make it brief.
TheCoach: Biktima ang pamilya ko ng tsunami mga mahigit 10 taon na ang nakalipas. Nakaligtas ako. Natagpuang patay ang asawa ko, pero di nakita ang baby namin. Katulad mo Lavagirl, umaasa ako na buhay din ang anak ko.
Lavagirl: Hindi ako umaasa. NANINIWALA AKO!!
TheCoach: easy lang!
Doc: Lavagirl, no all caps please. Magkakaibigan tayong lahat dito.
Lavagirl: Pasensiya na po.
Su/San/Dra: Ako naman. Dati po akong nurse. Ikakasal po ako sa isang anak-mayaman at buntis na po ako sa kanya. Di pa nga matutuloy kasi may babaing sumulpot, buntis, at ang nobyo ko daw ang ama. Lumindol. Sa ospital din ako nagising. Wala akong maalala. May lalaking nagpakilala na asawa ko daw siya. At may anak daw kami. 5 taon ang nakalipas. Nalaman kong niloko lang ako ng lalaki na iyon. Di ko talaga siya asawa
TheCoach: naputol. log-out na yata siya.
Showdancer: Hello? Anong nangyari?
Doc: Su/San/Dra? Gusto mo munang magpahinga.
Su/San/Dra: Sorry doc. Naiyak lang po ako. Itutuloy ko po ang kuwento ko. Nagkita ulit kami ng mayaman kong nobyo, dun ako sa kanila tumira at nagnars sa lola niya. Nalaman ko rin na di ko tunay na anak ang batang babaeng kasama ko. Ngayon hinahanap namin ang tunay kong anak. Lalaki daw hindi babae ang sinabi nung nanloko sa akin na nakulong matapos akong ihostage.
Lavagirl: Grabe pala ang nangyari sa iyo.
Showdancer: Very tragic indeed. Pansin nyo bang we all lost our kids because of a disaster. Mine naman has to do with fire. Iniwan ko ang baby ko sa kapitbahay para puntahan ang ama ng anak ko sa trabaho niya. Isa siyang dance instructor at nalaman kong ang karibal ko ang kliyente niya. Nagtalo kami doon at pag-uwi naman nasusunog na ang lugar namin. Sunog ang bahay ng pinag-iwanan ko ng anak ko. I was devastated.
Madam enters the chatroom
Doc: Madam, I thought absent ka tonight?Madam: Good evening doctor. I was supposed to, pero nasa office pa ako, waiting for my sister’s meeting to end. So I decided to log in to see what’s going on at may good news ako. May bago pala tayong kasama. Hi Lavagirl.
Lavagirl: hello po.
Madam: Ang story ko naman differs a bit, Lavagirl. I got pregnant by a man who I thought loved me pero pinagpustahan lang pala nila ako ng barkada niya. I gave my baby away. I feel na magiging kawawa lang siya sa akin dahil wala akong nararamdaman para sa kanya. Well, that’s what I wanted to believe at that time. Anyway, many years later I became a very successful and influential businesswoman in a very lucrative industry. Then something tragic happened. I don’t want to elaborate pero after that nawala na lahat sa akin. But I was allowed to return to correct some mistakes I did in the past. I was given 100 days at kapag hindi ko naitama lahat mapupunta ako sa… well, let’s say “a very hot place”. I found help from a young woman who I made to pretend to be my sister. I got her to work in a top position inside my former company kung saan I believe I have made most of my “mistakes”.
TheCoach: hanggang ngayon di ka pa rin nakikilala doon?
Madam: No. Let’s just say I’m no longer as BIG as I used to be. Anyway, halfway in my “mission” my sister suggests that maybe I need to find my daughter. Baka kasama daw iyon sa mistakes ko. I was reluctant at first pero lately I’m slowly realizing na baka tama nga siya.
Doc: OK. Mahabang oras na rin ang nagamit natin with the re-intros for lavagirl.
Lavagirl: Pasensiya na po.
Doc: That’s ok. Moving on. So kumusta kayo ngayon?
TheCoach: ako muna. matapos ang mahabang panahon ng pagtatago at pagpapabaya, natuto na uli akong mag-ayos ng sarili. Coach na ako ng football ngayon ng mga bata. ang nagbibigay stress sa akin ngayon e yung dati kong karibal sa football na coach na rin ngayon.
Doc: yes, naikuwento mo nga iyan previously. Anything new?
TheCoach: may isang babae akong nagugustuhan ngayon. single mom siya at iyung adopted son niya ay very close din sa akin. parang biglang nagkagap nga lang ang dalawa nung dumating iyung tatay daw ng bata pero maaayos din iyon.
Showdancer: Nakwento ko na dati na I found success in dancing. Pero lately ang daming nagpapasakit ng ulo ko. Bumalik ang tatay ng nawala kong anak at ngayon ay involved sa career ko. A woman I hate got out of prison. At may gap rin kami ng other daughter ko.
Su/San/Dra: Problemado rin ako. Ikakasal sana uli kami ng nobyo ko pero kinidnap siya ng lalaking nagpanggap na asawa ko. Tinorture siya at nilibing ng buhay. Nakasurvive siya kaya lang nagkaamnesia siya.
Sim_One enters the chatroom
Sim_One: d mo ko mtataguan susan alam ko ikaw yan
Doc: Paano ka nakapasok dito?
Su/San/Dra leaves the chatroom
Sim_One: mula ng magkalaptop ako mrami akong n22nan. jan na kyo
Sim_One leaves the chatroom
Showdancer: Anong nangyari? Nakakatakot! Grabeeeeh!!
TheCoach: dapat ayusin nyo doc ang privacy settings. nababasa ko rin ang usapan dito kahit di ako nakasign-in.
Doc: Sorry. aayusin ko ito later. may oras pa tayo, may gusto pang magshare?
Madam: Stressed din ako ngayon. Nalaman kong adopted iyung “sister” ko, and was born the same year my missing daughter was born. Add to that na kahit ilang warnings ang binigay ko, na-inlove pa rin ang sister ko sa kapatid ng dati kong protégé. And just recently, I found the woman na pinag-iwanan ko ng baby ko.
Doc: Well we hope that’s good news.
Madam: Pinoproblema ko nga iyan e. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na siya ang anak ko after so many times na pinag-awayan namin ang tungkol sa paghahanap sa anak ko.
TheCoach leaves the chatroom
No comments:
Post a Comment